Categories
In Tagalog Uncategorized

“Na-ano” nga ba?

Anong kaguluhan ‘to?

Mukhang madaming nainis sa komento ni Sen. Tito Sotto sa Committee on Appointments hearing kahapon, nung nakasalang si DSWD Sec. Judy Taguiwalo. Eh kasi naman, pagtapos tanungin kung totoong single siya kahit na may 2 siyang anak, nag comment pa ito na, “na-ano” lang daw si Sec.

Sinong hindi maiimbierna, di ba?

(see story here: http://news.abs-cbn.com/news/05/03/17/na-ano-lang-sotto-twits-taguiwalo-for-having-children-out-of-wedlock)

First of all… ano daw?

May relevance ba yung tanong na yun sa mga kaganapan? Sa akin, parang wala naman. Pero hindi ako senador, so malay ko ba?

Second… na “ano” daw?

Bilang ang blog ko na ito ay para sa mga “normal singles”, at alam naman nating lahat na nanay din ako, dapat lang siguro na linawin natin kung “na-ano” si Sec Taguiwalo, sa context ng pagiging single mom.

So na ano nga ba?

Na-loko? Pwede, pero pwede din naman na pinili niyang maging single talaga, dahil alam natin, kahit na mahal nyo ang asawa nyo, eh mahirap talagang makisama sa isa pang matalino (or not), pursigido (or not)  at determinado (or not) (daming hugot, ‘teh?) na taong tulad natin. Walang masama na piliin na lang maging mag-isa kesa naman habang buhay kayong magtagisan ng kung ano man ng kasama mo.

Na-tauhan? Maari. Pwedeng inakala niya noon na mahal niya yung ama ng anak niya, pero nagising din siya sa katotohanan na hindi pala. Mabuti na yung honest, di ba?

Na-salba? Siguro. Nakaligtas siya sa habambuhay na pagdurusa (ang drama?) na maaring danasin nila kung nag asawa sila.

Na-bless? Fo’ sho’! Dalawang beses pa.

Kung ano man gusto ipahiwatig ng ating mabuting Senador ay siya lang talaga ang nakakaalam. At siguro pati na din yung ibang senador at opisyal na nagtawanan dun sa session. Gets nila isa’t isa. Nagkaintindihan sila.

Pero ako, ang sigurado lang sa akin ay kung “na ano” ako bilang kapwa single mom at tagamasid sa mga pangyayaring ito. (Oo nga, kasal kami, pero anong kwenta nun kung 1 year pa lang kayo eh hiwalay na rin kayo? Parang wala din.) (kailangan pa mag explain talaga?)

Nagulat ako. Na ganun pala ang tingin ng ibang tao sa parehong sitwasyon. May ganun pa palang pagiisip? Bakit? Anong taon na ba? Di ba 2017 na? Malawak na ang kamalayan at pagintindi nga mga tao. Well, assumera lang siguro talaga ako. Na tao sila.

Nainsulto ako para kay Sec Taguiwalo. Disente siyang mamamayan. Bakit kailangan gawing katatawanan ang sitwasyon niya sa buhay? Nainsulto ako para sa mga anak nya. Hindi nila alam, eh produkto pala sila “ng ano”, at sa ganung paraan pa nila malalaman. Nanay nila yung pinaguusapan dito, malamang sumama ang loob nila.

Napaisip ako. Marami pa palang mga bagay sa mundo ang kailangan nating maintindihan. Hindi pwedeng mag assume na porket masasabi nating mataas ang estado sa buhay ay may pag galang at pag intindi na sa kapwa. O kaya ay may karunungan upang piliin kung ano ang nakakatawa sa hindi. Dapat talaga magisip muna bago magsalita, nang walang pagsisihan sa huli.

Natuwa din ako, dahil kahit na ano pa man ang sabihin ng kahit sino, napatunayan ni Sec Taguiwalo na hindi siya tatanggap ng ano mang bull****, kanino man ito manggaling, sa tao man o sa dagok ng buhay.

So, “na ano” siya?

Nanalo siya, bes. Nanalo siya.

By supernormalgirl

Single, 40-ish mom, travelling this world as any normal, girl-next-door would. Is both positive and negative, yin and yang, good and bad. A forever 'tween. Has a love-hate relationship with food, and food wins most of the time. From Manila, Philippines.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s